Paligid ng Quiapo Church, sinimulan ng linisin ng Manila LGU at MPD

Nilinis ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Manila Police District (MPD) ang paligid ng Quiapo Church bilang paghahanda sa Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno.

Bukod dito, inabisuhan na rin ang mga nagtitinda sa paligid ng simbahan hinggil sa mga ipinagbabawal sa araw ng Pista.

Magpapatupad naman ng maximum tolerance ang MPD at handa silang arestuhin ang mga magpapasaway na deboto mula bukas hanggang sa Sabado.


Gagamit rin ng mga rattan stick ang mga pulis bilang pangsukat upang masiguro na masusunod ang mga deboto sa physical distancing.

Sinabi naman ni MPD Director BGen. Leo Francisco na naglatag sila ng 29 control points para sa seguridad ng Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Sakali namang magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari, gaya ng biglaang pagdami ng bilang ng mga deboto, nakahanda ang MPD na isara ang mga hangganan ng lungsod ng Maynila para makontrol ito.

Facebook Comments