Nilinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na awtomatikong “no fly zone” area ang Sofitel hotel sa Pasay City.
Ang paglilinaw ni CAAP Spokesman Eric Apolinio ay kasunod ng anunsyo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Vicente Danao na paiiralin ang “no fishing” at “no fly zone” sa Sofitel area sa panahon ng paghahain ng certificate of candidacy ng mga kandidato sa national posts.
Ito ay mula October 1 hanggang October 8.
Ayon pa kay Apolonio, kasama talaga ang Sofitel area sa restricted area dahil malapit ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.
Nangangahulugan aniya ito na kailangan munang humingi ng special permit ng sino mang nais ma-exempt sa pinaiiral na “no fly zone” sa lugar.
Facebook Comments