Paliparan sa India, isinara

Iniimbestigahan na ng India authority ang dalawang insidente ng delikadong pag-landing ng eroplano na may sakay na 200 pasahero.

Batay sa ulat, isang Air India Express Flight mula Dubai ang dumulas sa runway at dumiretso sa maputik na bahagi ng Mangalore City.

Wala namang nasaktan sa 183 na pasahero ng eroplano.


Habang sinisilip na rin ang mga opisyal sa Surat City ang pag-overshoot ng isang private airline sa runway.

Ang Spice Jet Plane na may sakay na 50 pasahero at crew ay nabigong huminto sa nakatakdang puwesto at umabot pa sa red zone ng runway.

Bunsod nito, pansamantalang nagsara ang paliparan dahil sa insidente.

Facebook Comments