Inihayag ni Eric Apolonio, tagapagsalita ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na meron notice to Airmen o Notam ang mga paliparan sa Siargao at Surigao.
Ibig sabahin nito anya, epektibo ngayong baraw, pansamanatalang sarado ang mga paliparan sa Siargao at Surigao, ilang araw matapos manalasa sa nasabing probinsya si Bagyong Odette.
Pero papayagan anya ang mga flights ng gobyerno, Militar, emergency, cargo at humanitarian.
Matatandaan, ang Siargao at Surigao ay ilang lang sa mga lugar ng Midanao na lubhang napinsala matapos daanan ito ng Bagyong Odette, na sinasabing pinakamalakas na bagyo na dumaan sa bansa ngayong taon.
Facebook Comments