Paliparan sa Visayas, Mindanao at Bicol Region, naka-high alert dahil sa Bagyong Odette

118

Naka-high alert ngayon ang mga paliparan sa Visayas, Mindanao at Bicol Region na maaapektuhan ng Bagyong Odette.

Ito ay bagama’t kanselado ang flights sa naturang mga lugar at suspendido ang operasyon ng mga airport.

Sa Bicol Region, naka-alerto ang airport managers sa mga paliparan sa Legazpi, Daet, Masbate, Naga at Virac.


Sa Romblon Airport naman, nagsagawa na ang mga tauhan doon ng prepositioning ng mga sasakyan sa fire station.

Tinanggal na rin ang signages para maiwasan ang pinsala habang ininspeksyon na rin ang generator sets at wirings sa airport premises.

Facebook Comments