PALIT PINUNO | Senator Ejercito, umaasang magiging maayos ang pagpapalit ng liderato ng senado

41

Manila, Philippines – Umaasa si Senator JV Ejercito na magiging maayos ang pagpapalit ng liderato ng senado mula kay Senate President Koko Pimentel patungo kay Senate Manority Leader Tito Sotto III.

Pahayag ito ni Ejercito sa harap ng mga balita na sa susunod na linggo ay papalitan na ni Sotto si Pimentel.

Kasabay din nito ang pagkalat ng kopya ng draft resolution na nagpapakita ng suporta ng 14 na senador kay Sotto kung saan kasamang nakapirma din si Ejercito.

Ayon kay Ejericito, sana ay magkaroon ng pagkakataon na makapag usap na mabuti sina Pimentel at Sotto para maplantsa ang lahat kaugnay pagbabago sa senate leadership.

Facebook Comments