Manila, Philippines – Mas mababa ngayon ng 26.5 centavos ang palitan ng piso kontra dolyar, kumpara noong Lunes na pumalo sa 50.835 pesos kada dolyar.
Sa pagsasara ng Philippine Dealing System kahapon, naitala ang 51.10 pesos na palitan ng piso sa bawat isang dolyar.
Huling naitala ang pinakamababang antas ng palitan ng piso kontra dolyar noong November 14, 2017 nang pumalo ang exchange rate sa halagang P51.18 per dollar.
Paniwala ng mga eksperto, hindi nagkaroon ng malaking epekto sa halaga ng piso ang naging pag-angat ng ekonomiya sa 4th quarter ng taong 2017 kaya’t bumaba muli ang halaga ng piso sa kasalukuyan.
Facebook Comments