Mahalaga para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang strategic trade ng mga kagamitang pang-militar, para sa pagtataguyod ng rule of law, pag-protekta sa publiko, at pagsusulong ng global peace at security.
Ayon sa pangulo, nagdadala ng banta sa trade management ang lumalawak na mundo at umuusbong na mga teknolohiya sa larangang sibilyan man o militar.
Kaugnay nito, dapat umanong maging mas responsable at madiskarte sa paggamit ng mga bagong teknolohiya, at tiyaking hindi ito magagamit bilang weapons of mass destruction.
Tiniyak naman ng pangulo na ipagpapatuloy ang pag-upgrade ng industry standards, modernisasyon ng mga regulasyon, at pagpapalalim ng mga ugnayan sa pamamagitan ng trade at investment frameworks tulad ng Association of South East Asian Nation (ASEAN), Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), RCEP, at Indo-Pacific economic framework for prosperity.