Lalo pang bumaba ang palitan ng piso kontra dolyar kasunod ng ipinatupad na isang buwang community quarantine sa Metro Manila dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Regina Capital Managing Director Alvin Limlingan, ito na ang ikatlong araw na bumagsak ang piso kontra dolyar.
Mula kasi aniya sa 51.25 pesos na palitan ng piso kontra dolyar kahapon, bumagsak pa ito sa 50.86 pesos ngayong araw.
Pero tiniyak naman ni Limlingan na gumagawa na sila ng paraan para maayos maibalik sa dati ang maayos na palitan.
Facebook Comments