Naitala kahapon ang pagtaas ng halaga ng palitan ng piso kontra dolyar.
Base sa Foreign Exchange Summary ng Bank Association of the Philippines (BAP), nagsara sa P57.97 ang halaga ng piso kada isang US dollar mula sa P58.22 noong Huwebes.
Ito ang pinakamalakas na pagsasara ng piso kumpara noong Setyembre 20, 2022 na nagsara sa P57.48.
Simula 2022, humina ang piso kontra sa dolyar ng P6.97 o 13.7% mula sa P50.99 sa pagtatapos ng 2021.
Facebook Comments