Paliwanag ng China na dumaong lamang para magpahinga ang fishing vessels sa Julian Felipe Reef, hindi katanggap-tanggap ayon sa isang security analyst

Nagpapahiwatig ng paghahanda para sa posibleng paglala ng sitwasyon ang ginagawang military exercise ng China sa South China Sea.

Pero sa interview ng RMN manila, nilinaw ni Professor Rommel Banlaoi, Director ng Center for Intelligence and National Security Studies na malayo naman ito sa bahagi ng ating teritoryo sa Kalayaan Islands.

Sa kabila nito, nakababahala pa rin aniya ang presensiya ng ilang Chinese Vessels na nasa sa Julian Felipe Reef kung kaya’t kinakailangan na alamin kung ano talaga ang intensyon ng pamamalagi sa ating karagatan.


Ayon pa kay Banlaoi, bagama’t nagpaliwanag na ang China na ang mga fishing vessels ay dumaong lamang para magpahinga ay nakaaalarma pa rin ang dami ng mga ito.

Nanindigan din si Banlaoi na hindi tinatanggap ng Pilipinas ang paliwanag ng China kung kaya’t naghain na tayo ng diplomatic protest habang una na ring iginiit ng Department of National Defense (DND) na nakahanda silang ipagtanggol ang ating sovereign rights.

Facebook Comments