Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na hindi na kailangan pang magpaalam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso kaugnay sa Verbal agreement na pinasok nito sa China sa territorial dispute sa South China Sea.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na may kasunduan sila ni Chinese President Xo Jinping na payagang makapangisda ang mga pilipino sa pinagaagawang teritoryo na ayon naman sa Malacanang ay hindi dokumentado at verbal agreement lamang na nangyari sa isang bilateral meeting.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, maliit at sandali lang ang sandali ang usapan ng Pangulong Duterte at President Xi at kung ano aniya ang kweldo ng Pangulonay ito talaga ang nangyari.
Sinabi din ni Panelo, walang dahilan para kausapin ni Pangulong Duterte ang Kongreso dahil wala namang itinago ang pangulo sa publiko kaugnay sa kasunduan.
Paliwanag pa ni Panelo, bukod sa pangulo ay ipinaliwanag na niya ito at ng Department Of Foreign Affairs ay naglabas narin ng pahayag ukol dito.
Mayroon din aniyang transcript ang paguusap ng dalawang pangulo at hindi totoo na walang record sa napagkasinduan ng dalawa.