PALPAK! | Mga kontraktor sa gov’t housing project na hindi sumipot sa senate hearing, planong ipa-contempt ni Sen. Ejercito

Manila, Philippines – Plano ni Committee on Housing Chairman Senator JV Ejercito na ipa-contempt ang mga kontratista sa palpak na governemrnt housing project.

Hinala ni Ejercito, takot at umiiwas dahil posibleng may mga maling ginawa ang nabanggit na mga kontraktor kaya hindi sinipot ang pagdinig ng Senado.

Lumabas sa pagdinig na kalahati lang sa mga mga pabahay ng pamahalaan na ginastusan ng 64-billion pesos ang natirhan kaya sayang lang ang pondo dito.


Sabi ni Ejercito, pinadlahan niya ng subpoena ang nabanggit na mga contractors para magpaliwanag lalo na sa pagsub-contract o pagkuha ng iba pang grupo para isagawa ang kontratang nakuha nila para itayo ang pabahay ng pamahalaan.

Nais din ni Ejercito na makasuhan ay makulong ang sinumang nagkutyabahang contractor- developer at mga opisyal ng National Housing Authority.

Facebook Comments