PALPAK NA AIRBAG | Halos 10,000 units ng Honda, pinababalik

Manila, Philippines – Nasa sampung libong unit ng Honda cars ang ipinababalik ng kumpanya dahil sa palpak na passenger side airbag inflator.

Sa sulat na ipinadala ng Honda Philippines sa Department of Trade & Industry, maaari aniyang sumabog ang inflator ng airbag dahil sa over-pressure at magliparan ang ilang bakal na posibleng makasakit sa mga pasahero.

Kabilang sa mga pinababalik sa honda dealers ang 8, 520 unit ng honda city year model 2013; 1, 259 units ng Honda Jazz year model 2013 at 172 units ng honda pilot year model 2013.


Ayon kay Atty. Louie Soriano, administration division head ng Honda Philippines – libre nilang papalitan ang inflator ng airbags at tiniyak na maaayos ito nang wala pang isang oras.

Nagpapatulong din ang kumpanya sa mga original owner ng sasakyan sakaling naibenta na ito sa iba.

Facebook Comments