Palpak na maintenance contract at sablay na mga bagon ng MRT, pinapa-imbestigahan ni Senator Poe sa Blue Ribbon Committee

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Senator Grace Poe sa Senate Blue Ribbon Committee ang palpak na maintenance contractor at palpak ding mga bagon ng Metro Rail Transit o MRT na binili sa Chinese company na Dalian locomotive.

Ang blue ribbon committee ay may hurisdiksyon sa mga kapalpakan at katiwalian sa gobyerno.

Ayon kay Poe, layunin ng pagsisiyasat na matukoy at mapanagot ang responsable sa pagkuha sa serbisyo ng Busan Universal Rail Incorporated o BURI.


Diin ni Poe, walang kakayahan ang nabanggit na kumpanya para magampanan ang katungkulan na siguraduhing maayos at walang aberya ang mga tren, riles at buong operasyon ng MRT.

Sa isinagawang pagdinig ng Committee on Public Services na pinamumunian ni Senator Poe ay lumitaw na maliban sa mga dating opisyal ng Department o Transportation (DOTr) ay isang Marlo Dela Cruz din na umano’y malakas sa nagdaang Aquino administration at kaalyado ng Liberal Party ang may kinalaman sa kontrata.

Facebook Comments