Manila, Philippines – Matapos na magbanta si Pangulong Duterte na sasampahan ang mga opisyal na nasa likod ng palpak na MRT. Nagboluntaryo si dating MRT General Manager Atty. Al Vitangcol na maging state witness sa sandaling ipursige talaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na sampahan ng plunder ang mga nasa likod ng nararanasang krisis sa kalagayan ng railway system. Gayunman, umaapila si Vitangcol na bigyan siya ng immunity kung sakaling gawin siyang whistleblower ng pamahalaan. Aminado naman si Vitangcol na wala pa namang kumakausap sa kanya mula sa pamahalaan para alukin siya na maging pangunahing testigo. Itinanggi din niya na siya ang tinutukoy ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa sa dalawang whistleblower ng pamahalaan sa panibagong isasampang plunder case laban sa mga opisyal na nasa likod ng palpak na serbisyo ng MRT. Tahasan naman inginuso ni Vitangcol si dating DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na may kinalaman sa kalunos lunos na kalagayan ngayon ng railway service.
PALPAK NA MRT | Dating MRT 3 GM Al Vitangcol, handang maging state witness sa isasampang plunder case
Facebook Comments