Palpak na pagsasaayos sa mga paaralan sa kabila ng malaking pondo, pinapatutukan kay VP at DepEd Sec. Duterte

Kaugnay sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa susunod na linggo ay nanawagan si Camarines Sur (CamSur) Representative LRay Villafuerte kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio na aksyunan ang report ng Commission on Audit o COA.

Kaugnay ito sa umano’y kabiguan ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng nakaraang administrasyon na ayusin at lagyan ng sapat na mga upuan at lamesa ang 75% sa halos 11,500 mga silid-aralan na pinondohan ng ₱9.5 billion.

Binanggit ni Villafuerte na base sa COA report, bigo ang DepEd na bilhin ang mahigit 553,000 na mga lamesa at upuan para sa mga estudyante sa elementarya at sekondarya at sa mga guro noong 2021.


Sabi ni Villafuerte, na sa COA report din ay hindi natupad na mabigyan ang kanyang lalawigan na CamSur ng mahigit ₱451 million para sa repair ng 1,405 classrooms sa 296 paaralan sa 35 munisipalidad.

Facebook Comments