Palpak na promotional video ng DOT, hindi na dapat maulit – Sen. Grace Poe

Pinatitiyak ni Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe na hindi na mauulit ang nangyaring kapalpakan ng Department of Tourism (DOT) sa inilabas na “promotional video” para sa bagong tourism slogan na “Love the Philippines”.

Mismong mga netizens ang nakapuna na ang mga ginamit na kuhang video at larawan para sa promotion ng bagong slogan ng bansa ay kinuha lang sa stock footages ng Storyblocks.

Nais makasiguro ng senadora na hindi na mauulit sa DOT at kahit sa ibang ahensya ng pamahalaan ang kahalintulad na insidente lalo’t ang mga government agencies ay pinagkakatiwalaan ng publiko.


Dismayado si Poe dahil parang na-scam o nabudol ang buong bansa sa advertisement na ito.

Nakakadismaya rin aniya na malaman na kahit ang gobyerno ay nabibiktima ng mga pagkakamali ng marketing campaign na ang dapat sanang layunin ay maisulong ang unique character, natural beauty at cultural attractions sa Pilipinas.

Facebook Comments