PALPAK | NFA administrator Jason Aquino, pinagbibitiw ni Senator Poe

Manila, Philippines – Pinagbibitiw na ni Senator Grace Poe si National Food Authority o NFA administrator Jason Aquino kasunod ng balitang ubos na ang buffer stock ng NFA rice.

Giit ni Senator Poe, ang kawalan ng stock ng NFA rice ay indikasyon ng palpak na pamamahala ni Aquino.

Ang NFA rice ay ang pantawid gutom aniya ng halos 10-milyong mahihirap na mga Pilipino.


Punto ni Senator Poe, sa Hunyo pa darating ang inangkat na bigas para mapunuan ang kakulangan ng NFA rice kaya saan ngayon hahagilap ng murang bigas ang ating mga kababayan.

Diin ni Poe, dapat mapalitan si Aquino ng sinumang may kakayahan at magandang track record para pamahalaan ng tama ang ahensya.

Facebook Comments