PALPAK! | Paglulunsad ng isang rocket sa Japan, pumalpak

Japan – Hindi naging matagumpay ang launching ng Momo-2 Rocket sa bayan ng Taiki, Hokaido, Japan.

Matapos paliparin ang rocket ay ilang segundo lang ay bumalik ito sa lupa at bumagsak na nagdulot ng isang malakas at pagsabog.

Inaasahan sanang aabot ito ng 100 kilometro o 62 milya sa kalawakan.


Maswerte namang walang nasaktan sa insidente.

Humingi ng Sorry ang Interstellar Technologies na siyang lumikha sa rocket at sinabing maaaring engine failure ang dahilan ng pagbagsak nito.

Facebook Comments