PALPAK | PNP, pinutol na ang koneksyon nito sa Indian car company na nag-procure ng higit 2,000 patrol cars

Manila, Philippines – Winakasan na ng Philippine National Police (PNP) ang koneksyon nito sa isang Indian car manufacturing corporation na nag-procure ng 1.8 billion pesos na halaga ng higit 2,000 patrol cars.

Matatandaang sinabi ng Commission on Audit (COA) na ‘unfit’ o hindi maaring gamitin ang mga patrol vehicles sa mga police operations.

Ayon kay PNP Spokesman, Senior Superintendent Benigno Durana, 10% ng mga biniling patrol cars ay depektibo.


Hindi na isasama ang Columbian autocar corporations sa mga susunod na procurement plans ng PNP.

Ang Columbian Autocar Corp. ang nanalo sa kontrata para mag-supply ng patrol vehicles noong 2015.

Nilinaw ng PNP na ang procurement service ay ginawa ng Department of Budget and Management (DBM) at hindi ang bids and awards committee ng PNP.

Facebook Comments