Paluan, Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Photo Courtesy: PHIVOLCS-DOST Facebook Page

Nakaramdam ng 3.5 magnitude na pagyanig ang Occidental Mindoro.

Bandang 1:08 kanina nang ma-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol.

Natunton ang episentro ng lindol 28 km Timog Kanlurang bahagi ng Paluan, Occidental Mindoro.


May lalim itong 21 km at tectonic ang pinagmulan.

Naramdam ang Instrumental Intensity 1 sa Calatagan, Batangas; Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Facebook Comments