Manila, Philippines – Nagbigay ng dalawang araw na palugit si National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde sa Chief of Police ng Paranaque City para resolbahin ang kaso ng panghoholdap sa isang gotohan sa lungsod.
Ayon kay Albayalde, sakaling hindi maresolba ni Sr. Supt Victor Rosete ang kaso ay tiyak na mahaharap ito sa kaparusahan.
Aniya hindi isyu dito kung malaki o maliit lang ang nakuhang halaga ng mga magnanakaw , nagdulot aniya ito ng takot sa mga menor de edad kaya dapat na maresolba ang kaso at matiyak na hindi na ito mauulit pa.
Sinabi pa ni Albayalde na mahigpit ang kanyang paalala sa kanyang mga police commanders sa buong Metro Manila na paigtingin ang anti-criminality operation at police visibility sa kanila- kanilang areas of responsibility.
Matatandaang kahapon ay pinasok ng apat na armadong kalalakihan ang isang gotohan sa Barangay San Isidro, Paranaque City ang nakuha ang 15 libong piso.