Nakatakdang bumili ang gobyerno ng Pilipinas ng 200,000 units ng High-Flow Nasal Cannula (HFNC) Machine.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mabisa ang mga HFNC kumpara sa ventilator para sa COVID-19.
Aniya, mapapabuti nito ang oxygenation ng mga COVID-19 patient at mas mura din kumpara sa ventilator.
Napatunayan din aniya worldwide na life-saving machines ang mga ito.
Giit ni Roque, batid ng gobyerno kung paano maisalba ang buhay ng mga nagkakasakit.
Facebook Comments