Pamahalaan, binabalanse ang pagtugon sa bagyo at COVID-19 – Lorenzana

Iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na binabalanse ng pamahalaan ang pagtugon sa mga nasalanta ng bagyo at ang hamong dala ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ayon kay Lorenzana, nananatiling nakatutok ang gobyerno sa mapaminsalang epekto ng mga Bagyong “Quinta,” “Rolly” at “Ulysses.”

Pero umaasa ang kalihim na wlaang magkaroon ng coronavirus outbreak sa mga evacuation centers.


Binanggit din ni Lorenzana ang obserbasyon ni Health Secretary Francisco Duque III na may ilang bakwit ang hindi sumusunod sa social distancing sa mga evacuation centers.

Magiging hamon din ang pagsasagawa ng COVID-19 test sa mga evacuees dahil sa bilang ng kakailanganing testing kits.

Iminungkahi ni Lorenzana ang pagsasagawa ng mahigpit na monitoring sa evacuees at agad i-isolate ang mga nagpapakita ng sintomas para maiwasan ang malawakang hawaan.

Facebook Comments