Pamahalaan, bubuo ng roadmap para sa mga maliliit na negosyo

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bubuo ang pamahalaan ng Micro Small and Medium Enterprises o MSME Development Plan 2023-2028.

Ayon kay Pangulong Marcos, ito ang magsisilbing roadmap upang higit na mapabuti ang business environment, kasanayan at innovation ng mga negosyante at mapalawak ang access nila sa merkado.

Isasakatuparan aniya ang naturang plano sa pamamagitan ng isang executive order (EO1) na magtatakda ng mga partikular na tungkulin at magbabalangkas ng mga pamamaraan at aktibidad para sa lahat ng sangkot na ahensya ng pamahalaan.


Sa kasalukuyan, nakipagtutulungan na ang DTI sa MSME Development Council at sa Office of the President para isapinal ang naturang executive order.

Facebook Comments