Manila, Philippines – Bukas ang Armed Forces of the Philipines na tumanggap ng tulong hindi lamang sa Estados Unidos kundi maging sa Russia at China para sa labanan ang teroristang grupo sa Marawi.
Sa Mindanao Hour sa Malacañang, nilinaw ni AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla – na nakapagpadala agad ng tulong ang US dahil naroon lamang ang kanilang tropa sa Western Mindanao Command.
In-placed na rin anya ang mekanismo batay sa mutual defense treaty ng US at Pilipinas.
Paliwanag pa nito, inilipat lang ng US forces ang kanilang pwersa at kagamitan mula sa Zamboanga, Basilan at Sulu papuntang Marawi City.
Ayon kay Padilla – kung hihingi din ang Pilipinas ng tulong sa ibang bansa, matagal pa rin ang proseso.
Samantala – nanawagan naman ang opisyal na huwag ng gawing isyu ang pagtulong ng Amerika sa atin.
Sa halip, mas importante aniya na bigyan nalang ng pansin ang kinakaharap na problema at huwag ng palakihin ang usapin.
DZXL558