Pamahalaan, dahan-dahang binubuksan ang ekonomiya at pinalalakas ang employment – Nograles

Doble-kayod na ang pamahalaan para sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

Layon nitong makabalik sa trabaho ang ilan sa mga kababayang nasadlak dahil sa pandemya.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sinisikap ng pamahalaan na maipatupad at nasusunod ang COVID-19 protocols kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya.


Bahagi ng Phase 3 ng National Action Plan na magkaroon ng balance sa kalusugan at kabuhayan ng mga tao.

Mahalagang mapalakas ang consumer confidence para umangat ang economic activity sa bansa.

Nagpaalala si Nograles sa publiko na sundin ang health protocols at gamitin ang StaySafePH contact tracing system.

Facebook Comments