Iginiit ni Vice President Leni Robredo na alamin ng pamahalaan ang tunay na nangyayari “on the ground” para matugunan ang pangangailangan ng mga tao ngayong pandemya.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na hindi pwedeng itanggi ang tunay na problema.
Hindi pwedeng ikaila ang araw-araw na pakikibaka ng mga pasyente.
“Kaya iyong mga nagsasabing wala naman masyadong problema baka hindi masyadong aware kung ano talaga iyong pang-araw-araw na pakikibaka ng mga pasyente natin. Talagang nakakaawa,” sabi ni Robredo.
“Sana mas alam kung ano iyong nangyayari on the ground para nakakarespond nang maayos,” dagdag pa ng Bise Presidente.
Paniniwala ni Robredo na ang mga report na nakakaabot sa mga opisyal ng gobyerno ay puro positibo lamang at hindi ito sumasalamin sa tunay na nangyayari on the ground.