Pamahalaan, dapat kumilos sa lalong madaling panahon sa pagbili ng COVID-19 vaccines – VP Robredo

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na maging maagap sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Robredo, sana ay hindi na maulit sa vaccine procurement ang mabagal na pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 noong Marso.

Pangamba ng Bise Presidente na napapag-iwanan muli ang gobyerno sa pagbili ng bakuna.


Dagdag pa ni Robredo, mas mabilis na maibabalik ang tiwala at kumpiyansa ng publiko kung makakabili lamang agad ang gobyerno ng bakuna para makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga tao.

Handa aniya tumulong ang kanyang opisina sa procurement at distribution ng mga bakuna.

Hindi sila nakikipagkompitensya sa administrasyon pero handa ang kaniyang opisina para makalikom ng pondo para dito.

Iginiit din ni Robredo na dapat inihahanda na ng pamahalaan ang listahan ng mga ipaprayoridad sa pagpapabakuna.

Facebook Comments