Pamahalaan, dapat luwagan ang requirements sa pagbili ng COVID vaccine ng pribadong sektor – Robredo

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na payagan ang pribadong sektor na makabili ng COVID-19 vaccines na walang mahigpit na requirements.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, pinasalamatan ni Robredo ang pribadong sektor sa tulong nito lalo na at maraming kumpanya ang pumasok sa tripartite agreement para makabili ng bakuna para sa kanilang mga manggagawa at kanilang pamilya.

Pero ang mahigpit na requirements sa pag-donate sa pamahalaan ng 50% ng bakuna ay balakid sa mga maliliit na negosyo na mabakunahan ang kanilang mga empleyado.


Aniya, kayang sagutin ng malalaking kumpanya ang pag-donate ng bakuna sa gobyerno, pero ang mga maliliit na negosyo ay hindi kayang gawin ito.

Dapat lamang na luwagan ang mga requirement para mas maraming kumpanya ang makalahok sa COVID-19 response.

Inihalimbawa ni Robredo ang Indonesia at India kung saan pinapayagan ang private sector na mabakunahan ang kanilang empleyado at mga dependent.

Facebook Comments