Pamahalaan, dapat muna tugunan ang problema sa production at food sufficiency para maging agricultural resource hub ang bansa

Dapat muna tugunan ng gobyerno ang problema sa production at food sufficiency sa bansa bago maabot ang target na maging agricultural resource hub.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tiwala siya na magiging agricultural resource hub ang Pilipinas.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Kristine Evangelista, kailangan muna natin mapalakas ang produksyon ng agricultural products para ma-cater ang demand sa loob at labas ng bansa.


Halimbawa na aniya rito ang demand para sa local agricultural goods tulad ng saging na hinahanap sa Japan at ang durian na ini-export sa ilang bansa.

Tiwala si Evangelista na kakayanin ito ng bansa dahil maganda ang mga ginagawang hakbang ng ating pamahalaan.

Dagdag pa ng opisyal, kailangan din isama na dito ang innovation para gumanda ang ani at kalidad ng mga produkto ng mga magsasaka.

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang agricultural output ng bansa ay patuloy na bumaba ng 0.6 percent kasunod ng -0.35 sa unang quarter ng taon.

Pangunahing dahilan sa pagbaba ng production ay ang pananalasa ng Super Typhoon Karding na nag-iwan ng mahigit P3 billion na halaga ng pinsala sa agricultural sector.

Facebook Comments