
Iginiit ni Vice President Sara Duterte na dapat tumalima ang pamahalaan sa kautusan ng Korte Suprema na ibalik sa Philhealth ang 60-billion pesos na unang nailipat sa National Treasury.
Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na dapat ding gamitin ang pera ng Philhealth sa pag-invest sa health programs.
Kinumpirma rin ni VP Sara na ang naturang Supreme Court decision ay napag-usapan nila ng dating Pangulong Duterte sa kanyang pagdalaw sa International Criminal Court (ICI).
Facebook Comments









