
Gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng remedyo para mapanatili ang mga serbisyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ginawa ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pahayag matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 2025 General Appropriations Act (GAA).
Ipinaliwanag na rin aniya ni Finance Secretary Ralph Recto na maraming resources ang PhilHealth na maaari nitong gamitin sa pagpapalago ng benepisyo para sa ating mga kababayan.
Ayon kay Recto, maganda ang financial standing ng ahensya dahil mayroon itong P280 billion na reserve, P150 billion surplus, at higit P400 billion na investments kaya’t hindi aniya ito kakapusin ng pondo.
Sabi pa ng finance chief, tututukan dito ang benefit package para sa 10 illnesses.
Samantala, ipinunto naman ni Bersamin na walang dapat ipag-alala ang publiko dahil ang ehekutibo aniya ay maingat at mabusisi sa paggamit ng mga resources ng pamahalaan.









