
Tiniyak ng Malacañang na nakahanda ang pamahalaan sa anumang magiging resulta ng negosasyon sa Amerika kaugnay sa ipinataw na mas mataas na reciprocal tarrif sa Pilipinas.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, patuloy na pinag-aaralan ng economic team ng administrasyon ang mga hakbang na maaaring gawin ng pamahalaan.
Kahit ano pa aniya ang maging desisyon o resulta ng mga pag-uusap, ay sisiguraduhing makabubuti ito para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
Pinaghahandaan aniya ng economic team ang iba’t ibang scenario, sakaling mahilot ng gobyernong ibaba ang taripa, panindigan ng Amerika ang polisiya, o taasan pa ito.
Ngayong Hulyo nakatakdang matapos ang siyamnapung araw na suspensyon ng Amerika sa bagong polisiya.
Facebook Comments









