Pamahalaan, handa sa posibleng epekto ng missile test ng North Korea

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamahalaan na may nakahandang contingency plans sa posibleng maging epekto ng missile tests ng North Korea.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Asec. James Purisima, may sapat na kahandaan ang gobyerno para tiyakin ang kaligtasan ng mga lugar na posibleng maapektuhan.

Kabilang sa hakbang ng OCD ang pagbibigay ng impormasyon partikular sa mga lugar sa Eastern Coast.


Bukod sa kahandaan ng OCD ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay palalakasin ang local disaster preparedness pati na ang kooperasyo ng mga lokal na pamahalaan.

Kasama ang Pilipinas sa pagtiyak ng seguridad sa Korean Peninsula na kabilang sa isinulong ng mga liders ng mga bansang kasapi ng ASEAN.

Facebook Comments