Gagawan ng paraan ng Department of Migrant Workers (DMW) na makabalik pa rin sa bansa ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Lebanon na kinuhanan ng passport ng kanilang employer at ayaw pabalikin sa Pilipinas.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na hindi nila itinuturing na mabigat na isyu kung kinumpiska man ng employer ang kanilang pasaporte.
Maaari naman aniyang mag-isyu ng travel documents ang Department of Foreign Affairs para makauwi ang gustong magpa-repatriate.
Kukumbinsihin din nila ang mga employer na ibalik ang mga kinuhang travel document.
Ayon pa kay Cacdac, handa rin silang sagutin ang immigration penalties makauwi lamang sa Pilipinas ang ating mga kababayan.
Facebook Comments