Nakahanda ang pamahalaan na mamahagi ng ayuda sa mga indibidwal na pinaka-apektado ng ipatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa mga lugar na nasa loob ng NCR plus bubble.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay isinasapinal pa ang ibang detalye kagaya ng kung sino ang makatatanggap ng tulong pinansiyal.
Target aniya ng Gobyerno na bago matapos ang buwan ng Abril ay nakatanggap na ang lahat ng magiging benepisyaryo at umaasa rin silang mas maraming indibidwal ngayon ang makakakuha kumpara noong unang nagpatupad ng ECQ.
Matatandaang noong nakaraang taon ay nasa ₱200 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa Emergency Subsidy Program sa 18 million na low-income households para sa buwan ng Abril at Mayo sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.