Handang makinig ang pamahalaan sa anumang feedback sa kung paano mapapahusay ang pandemic response efforts.
Matatandaang sinabi ni Vice President Leni Robredo na kailangang tanggapin ng pamahalaan na may pagkukulang sila sa pandemic response at makinig sa mga suhestyon sa kung paano mapapabuti ang pagtugon.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi naman patas na sabihing hindi tumatanggap ng anumang suhestyon ang gobyerno sa pagtugon sa public health emergency.
Ang pamahalaan ay mayroong feedback mechanism kung saan ang bawat government agencies at Local Government Units ay may sariling papel sa pagresponde sa pandemya.
Patuloy na ini-aangat ng gobyerno ang testing, isolation at treatment sa mga taong tinamaan ng COVID-19.
Facebook Comments