Iginiit ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na siyaasatin na ang mga kontrobersiya na bumabalot sa Philippine Offshore Gaming Operator o POGO.
Sinabi ni Robredo na panahon na at huwag nang mag-atubili pa ang pamahalaan para imbestigahan ang hinihinalang anumalya sa POGO lalo na ang pagkakadawit ng POGO sa ilang krimen.
Aniya, mas may ilang POGO ang naipasara at nasuspinde pero walang naganap na imbestigasyon.
Ilan, aniya, sa ulat na ang POGO industry ay konektado sa money laundering, prostitution at human trafficking.
Una nang ibinunyag ni Senador Risa Hontiveros ang umano’y ‘pastillas bribery scheme’ sa Bureau of Immigration (BI) na sinasabing ang ilang opisyales ng ahensiya ay nangingikil ng pera mula sa mga Chinese nationals na karamihan ay empleado bilang POGO workers kapalit ng pagkakaloob ng VIP treatment sa mga ito.
Si Robredo ang isa sa nananawagang tanggalin na ang operasyon ng POGO sa ating bansa.