Pamahalaan, hindi dapat makampante sa kabila ng pagbaba ng bagong COVID-19 cases – VP Robredo

Hindi dapat na magpakakampante ang gobyerno sa kabila ng pagbaba ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo kasunod ng ulat ng UP OCTA research team na nasa 0.87 na lang ang reproduction number ng COVID-19 cases sa bansa.

Ang reproduction number na mababa sa 1 ay nangangahulugang kontrolado na ang transmission ng virus sa komunidad.


Sa kabila nito, iginiit ng Bise Presidente na patuloy pa ring tumataas ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Katunayan aniya, pang-19 na ngayon ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na umabot na sa 334,770.

Nalampasan na ng bansa ang Turkey na mayroong 332,382 cases.

Facebook Comments