Pamahalaan, hindi dapat makampante sa paglaban kontra dengue sa kabila ng pagbaba ng kaso nito —Malacañang

Nakakikita na ng pagbaba sa naitatalang dengue cases sa bansa, kasunod ng iba’t ibang hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kabilang dito ang pina-igting na vector control na ibinaba mismo sa mga komunidad.

Malaki rin aniya ang ginampanan ng health education program sa pagpapababa ng case fatality rate, lalo’t nagiging maagap at mas maaga nang nagpapakonsulta ang mga pasyente ng dengue.

Dagdag pa ni Castro, naging mabilis din ang pagbibigay ng sapat na medical attention para sa mga dumudulog sa dengue Fast Lanes, sa mga Department of Health (DOH) hospitals.

Mula March 16 – 29, bumaba na sa 9,289 ang mga naitalang bagong dengue cases, kumpara sa 12,050 noong March 1 – 15.

Pero sa kabila nito, sabi ni Castro, hindi dapat magpakampante ang pamahalaan at dapat panatilihin ang mga ipinatutupad na hakbang.

Paalala ng Palasyo, huwag bitawan ang disiplina sa paglilinis at paghahanda sa panahon ng tag-ulan kontra dengue.

Facebook Comments