Pamahalaan, hindi dapat managot sa adverse effects na makukuha sa mga bakunang nabili ng pribadong sektor – Pangulong Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pananagutan ang pamahalaan mula sa side effects na makukuha ng mga indibiduwal na mababakunahan ng COVID-19 vaccine na nabili ng pribadong sektor.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na walang liability ag gobyerno sakaling magkaroon ng mishandling ng mga bakuna na nabili ng pribadong sektor.

Paliwanag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na ang lahat ng nabiling bakuna ay dadadaan sa tripartite agreement, pribadong sektor at ng manufacturer.


Dahil sa pandemya, walang commercialization ng bakuna at lahat ay sa pamamagitan ng emergency use authorization – ibig sabihin ang anumang adverse effects ay gobyerno ang mananagot.

Hindi rin aniya pwedeng ibigay sa responsiblidad sa private sector habang ang mga manufacturer ay magiging immune sa anumang pananagutan.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na ilegal ang nasabing arrangement kung saan sasagutin ng gobyerno ang indemnity para sa lahat ng bibilhing bakuna.

Nasa 500 million pesos ang inilaan para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) bilang indemnity fund para sa vaccine side effects, at magmumula ito sa contingent fund ng national budget.

Facebook Comments