Pamahalaan, hindi maaaring tumakbo sa ilalim ng re-enacted budget – Palasyo

Nanindigan ang Malacañang na hindi na maaaring mag-operate ang pamahalaan sa ilalim ng re-enacted budget sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang maipasa ng Kongreso ang ₱4.5 trillion 2021 national budget sa lalong madaling panahon.

Aniya, mahalagang mahimay at mabusisi ni Pangulong Duterte ang budget measure.


Pagtitiyak ni Roque na gagamitin ni Pangulong Duterte ang ‘veto authority’ sakaling may makitang kwestyunableng probisyon sa budget proposal.

Matatandaang niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pinal na bersyon ng budget na gagamitin para sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments