Pamahalaan, hindi na magpapatupad ng malawakang lockdown sakaling magkaroon ng second wave ng COVID-19

Hindi na ilalagay ang Pilipinas sa large-scale lockdown sakaling tumama ang second wave o ikalawang bugso ng Coronavirus disease.

Ito ang tugon nina Health Secretary Francisco Duque III at National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. matapos silang tanungin ni Senatorm Lito Lapid kung kakayanin pa ba ng bansa na maka-survive sa panibagong lockdown kung sakaling sumipa muli ang kaso ng COVID-19.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Duque, gagawing localized na quarantine measures at hindi na ito pangmalawakan, kung saan nakatuon na lamang ito sa mga maliliit na lugar o barangay o lungsod.


Tiniyak naman ni Galvez na nakalatag ang targeted response at sapat ang quarantine facilities para sa mga madadapuan ng COVID-19.

Sa mga lugar na mayroong kaso ng COVID-19, ika-classify ang mga ito bilang ‘critical area,’ ‘containment area,’ ‘buffer zone,’ at outside buffer zone kung saan naroroon ang economic centers.

Sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, mababalanse ang pagkontrol sa coronavirus infection at sa pagbukas ng ekonomiya.

Facebook Comments