Pamahalaan, hindi tiyak kung kailan mababayaran nang buo ang utang ng PhilHealth sa Red Cross

Walang mailatag na panahon ang pamahalaan kung kailan mababayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang natitirang utang nito sa Philippine Red Cross (PRC).

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang bayad para sa COVID-19 testing ay mailalabas kapag nakumpleto ang accounting verification at reconciliation.

Sinabi rin ni Roque na nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran ang utang sa PRC at may pondo ang PhilHealth para dito.


Wala rin dapat alinlangan ang Red Cross sa commitment ng gobyerno sa pagbabayad ng utang nito.

Nabatid na nagbayad ang PhilHealth ng ₱500 million partial payment para sa ₱1.1 billion utang nito sa Red Cross at nasundan ng pagbabayad ng karagdagang ₱100 million.

Dito ay ipinagpatuloy ng Red Cross ang COVID testing na sinasagot ng PhilHealth para sa arriving Filipino workers, frontline government workers at iba pang manggagawa.

Facebook Comments