Wednesday, March 25, 2026

Pamahalaan, hindi uubusin ang reserves ng bansa para labanan ang paghina ng P1 kontra dolyar —PBBM

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi kayang kontrolin ng pamahalaan ang tuluyang paghina ng P1, lalo na’t nakaangkla ito sa galaw ng pandaigdigang merkado.

Sa eksklusibong panayam sa Bloomberg, iginiit ng pangulo na hindi praktikal na ubusin ang foreign reserves ng bansa para lamang pansamantalang patatagin ang P1, sa gitna ng patuloy na pag-arangkada ng dolyar.

Sa kasalukuyan, lumampas na sa ₱60 kada dolyar ang palitan na pinakamahina sa kasaysayan, kasabay ng pagtaas ng presyo ng inaangkat na langis, partikular mula sa Middle East.

Dahil dito, tumitindi ang pressure sa gobyerno na maglaan ng pondo para sa ayuda at suporta sa mga pamilyang mababa ang kita na direktang tinatamaan ng mahal na bilihin.

Inamin din ng pangulo na malabong maabot ang target na 8% economic growth bago matapos ang kanyang termino, kaya’t inaasahang rerepasuhin ang mga plano ng administrasyon sa harap ng umiigting na pandaigdigang krisis.

Facebook Comments