Pamahalaan, hinikayat ang publiko na iulat ang anumang impormasyon hinggil sa overpricing ng mga pangunahing bilihin

Hinihingi ng pamahalaan ang kooperasyon ng mamamayan na ipabatid sa kanila ang anumang impormasyon na may kinalaman sa overpricing ng mga pangunahing mga bilihin.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo na may sapat na suplay ang bansa ng mga basic goods sa gitna ng nagaganap pa ring tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Pero aminado itong hindi talaga maiiwasan ang price increase dulot ng sigalot pero hindi pa aniya ngayon ito mangyayari sa ngayon.


Sa susunod na tatlong buwan, posibleng maramdaman ang epekto ng nangyayari sa Europa kaya’t hindi dapat maapektuhan ang presyo ng prime commodities.

Kasunod nito, apela ng opisyal sa publiko na kung may malamang overpricing o pananamantala sa itinatakdang presyo sa merkado ng isang produkto na agad itong ipaalam sa kanila sa DTI hotline na 1384 o mag-email sa consumercare@dti.gov.ph.

Facebook Comments