Pamahalaan, hinimok na isama ang booster shot sa depinisyon ng pagiging fully vaccinated

Hinihimok ng isang eksperto ang pamahalaan na isama ang booster shot sa pagtukoy ng ganap na nabakunahang indibidwal.

Ayon kay Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit Chief Dr. Rontgene Solante, ang pagbaba ng COVID-19 immunity, pagluwag ng mga restriksyon at mga superspreader event ay maaaring magdulot ng muling pagtaas ng kaso.

Sinabi rin ni Solante na umaasa siyang aprubahan ng gobyerno ang pagkakaroon ng pangalawang booster para sa mga matatanda, immunocompromised at mga taong may comorbidities.


Aniya, inirekomenda na ng Department of Health (DOH) na amyendahan ang Emergency Use Authority (EUA) ng COVID-19 vaccine para sa ikaapat na dose ng nasabing mga sektor.

Facebook Comments