Pamahalaan, hinimok na isang health advocacy group na tanggihan ang donasyon mula sa tobacco industry

Nanawagan sa pamahalaan ang isang grupo ng health advocate na dapat na tanggihan ng gobyerno ang donasyon mula sa industriya ng tobacco.

Layon nito na maprotektahan ang kalusugan ng publiko.

Ayon sa Health Justice Philippines, ang pagbibigay ng donasyon ng tobacco industry ay paghuhugas- kamay sa kanilang liabilities.


Ito ang dahilan kaya’t nalalagay sa peligro ang buhay ng maraming mamamayang Pilipino dahil sa epekto ng paninigarilyo.

Umapela rin ang grupo sa Justice department na irekonsidera ang pagbawi sa inilabas na legal opinion, salig sa mga obligasyon at commitment ng framework convention on tobacco control.

Facebook Comments